BORASAN
[posible, Hukay ng Usok].
Isa sa mga lugar na malimit puntahan ni David at ng kaniyang mga tauhan noong siya’y isang takas. (1Sa 30:30, 31) Itinuturing ng ilang iskolar na ito rin ang Asan (Jos 19:7), na isang nakapaloob na Simeonitang lunsod sa timugang bahagi ng teritoryo ng Juda, di-kalayuan sa HK ng Beer-sheba.—Tingnan ang ASAN.