JAKIM
[pinaikling anyo ng Jekamias, nangangahulugang “Si Jah ang Nagbangon”].
1. Isang inapo ni Benjamin sa pamamagitan ni Simei, kabilang sa isang talaan ng mga ulo ng mga sambahayan ng mga ama na naninirahan sa Jerusalem.—1Cr 8:1, 19-21, 28.
2. Ang saserdote na ang sambahayan sa panig ng ama ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan para sa ika-12 sa 24 na pangkat ng makasaserdoteng paglilingkod sa templo noong panahon ng paghahari ni David.—1Cr 24:3, 5, 12.