MATITIAS
[Kaloob ni Jehova].
1. Isang Levita na tumugtog ng alpa nang dalhin ang kaban ng tipan sa Jerusalem mula sa bahay ni Obed-edom. (1Cr 15:17-21, 25) Malamang na ang Matitias ding ito ang isa sa mga Levitang manunugtog na inilagay ni David sa harap ng Kaban “kapuwa upang magpaalaala at upang magpasalamat at pumuri kay Jehova na Diyos ng Israel” (1Cr 16:4, 5) at ang indibiduwal na nang maglaon ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga anak ni Jedutun upang pangunahan ang ika-14 na pangkat ng 12 Levitang manunugtog.—1Cr 25:1, 3, 9, 21.
2. Isang Kohatitang Levita na mula sa pamilya ni Kora at panganay na anak ni Salum. Ang Matitias na ito ay kabilang sa mga Levita na bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya at “nasa katungkulan bilang katiwala sa mga bagay na niluluto sa kawali.”—1Cr 9:31, 32.
3. Isang Levita o saserdote na tumayo sa kanan ni Ezra nang basahin ng tagakopya ang Kautusan ni Moises sa mga Judiong nagkakatipon sa Jerusalem.—Ne 8:1, 4.
4. Isang Israelita “sa mga anak ni Nebo” na kabilang sa mga tumanggap ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito ‘pati na sa mga anak’ noong mga araw ni Ezra.—Ezr 10:25, 43, 44.