PATARA
Ang daungang-dagat ng Licia kung saan ang apostol na si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan ay lumipat sa isang barko na maglalayag patungong Fenicia, malamang na noong 56 C.E. (Gaw 21:1, 2) Ang Patara ay iniuugnay ngayon sa sinaunang mga guho sa nayon ng Gelemish na nasa bulubunduking TK baybayin ng Asia Minor at mga 10 km (6 na mi) sa S ng bukana ng Ilog Xanthus (Koca). Ito ay nagsilbing himpilang daungan para sa mga barkong mula sa Italya, Ehipto, Sirya, at iba pang mga lugar, at ito ang pangunahing daungan ng mga lunsod na nasa kahabaan ng libis ng Ilog Xanthus.
Sa Gawa 21:1, idinagdag ng ilang sinaunang manuskrito ang “at Mira” pagkatapos ng Patara. Kung tama ang pagdaragdag na ito, ang barkong sinakyan ni Pablo mula sa Mileto ay alinman sa lumampas sa Patara o dumaong doon, anupat ang aktuwal na paglipat sa ibang barko ay naganap sa Mira, hindi sa Patara.