LICIA
Isang bulubunduking rehiyon sa TK baybayin ng Asia Minor. Nasa dakong HK ng Licia ang Caria; sa dakong H, Frigia at Pisidia; at sa dakong HS, Pamfilia. Ang mga bundok sa teritoryo ng sinaunang Licia ay mga tagaytay ng Kabundukan ng Taurus. Partikular na sa silanganing kalahatian ng rehiyon, ang mga ito ay halos nasa baybayin. Ang mga libis ng ilog dito, pangunahin na yaong sa Xanthus (makabagong Koca), ay mataba. Maraming pananim sa mga burol, at ang mga dalisdis ng bundok ay naglalaan ng pastulan para sa mga tupa.
Dalawang lunsod ng Licia, ang Patara at Mira, ang espesipikong binanggit may kaugnayan sa mga paglalakbay ng apostol na si Pablo. Ngunit walang rekord na nangaral siya roon.—Gaw 21:1; 27:5.