KURAL
Isang maliit na kulungan ng mga hayop. (Zef 2:6; tingnan ang KULUNGAN NG TUPA.) Sa hula ni Mikas, ang muling-tinipon at pinagkaisang Israel ay inihahalintulad sa “mga tupa sa kural.” (Mik 2:12, NW; Le) Dito, ginagamit ng tekstong Masoretiko ang salitang Hebreo na bots·rahʹ, na sa ibang mga talata ay isinasalin bilang “Bozra,” ang pangalan ng isang lunsod ng Edom at ng isang lunsod ng Moab. Gayunman, dahil sa istilo ng parirala sa Mikas 2:12, naniniwala ang ilang iskolar na ang bots·rahʹ ay nangangahulugan ding “kural” o “kulungan.” (JP, Mo) Kung bahagyang iibahin ang paglalagay ng tuldok-patinig sa salitang ito, magiging malapit ito sa Arabeng sirat (kural).