ZOPAR
Isa sa tatlong “kasamahan” ni Job; isang Naamatita. (Job 2:11) Si Zopar ang ikatlong tagapagsalita sa pakikipagdebate kay Job. Sinusugan ng pangkalahatang diwa ng kaniyang pangangatuwiran yaong kina Elipaz at Bildad; inakusahan niya ng kabalakyutan si Job, anupat sinabihan ito na alisin ang makasalanang mga gawain nito. (Job kab 11, 20) Ngunit pagkatapos ng dalawang yugto ng debate ay huminto na si Zopar; nasabi na niya ang kaniyang mga salitang tumutuligsa at wala na siyang maidaragdag sa ikatlong yugto. Sa katapusan ay iniutos ni Jehova na siya at ang kaniyang mga kasamahan ay maghandog ng isang malaking hain at na idalangin sila ni Job.—Job 42:7-9.