ZOPIM
Isang parang sa taluktok ng Pisga. Dito nagpatayo si Balaam ng pitong altar, dito naghandog ng mga hain, at dito binigkas ng propeta ang isa sa kaniyang mga kasabihan hinggil sa Israel. (Bil 23:14-24) Ang pangalang Zopim ay waring napanatili sa Telaʽat es-Safa na malapit sa iminumungkahing lokasyon ng Pisga, sa S ng H dulo ng Dagat na Patay. Gayunman, sa halip na ituring na isang pangalang pantangi, isinasalin ng ilang iskolar ang salitang tsoh·phimʹ, anupat gumagamit ng mga pananalitang gaya ng “parang ng mga bantay.”—Le; ihambing ang JB, NE.