Naabot Niya ang Kaniyang Tunguhin
Sa isang pahayag sa Bibliya, isang ministro ang nagsabi na ang mga Kristiyano’y dapat mayroong personal na mga tunguhin at sila’y magsikap na maabot iyon. Isang apat-na-taóng-gulang na batang babae na nakapakinig ng pahayag ang nagsabi sa kanyang mga magulang kinabukasan ng umaga na siya’y may tunguhin na makinig sa buong 256-pahinang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya na nakarekord sa tapes. Ganito ang isinulat ng kaniyang nanay:
“Siya’y maalwang pumuwesto na taglay ang unan, recorder, tapes, at aklat,at hiniling niya na siya’y dalhan ng meryenda sa buong maghapon. Sa totoo’y hindi naman ako seryoso ng pakikipag-usap sa kaniya, kaya pumayag ako, sa pag-aakala ko na sandali lamang at siya’y magsasawa na. Nang umagang iyon, kung ilang beses na tiningnan ko kung paano siya nakakaagwanta. Pagkaraan ng mga dalawang oras, sinabi ko na baka iyon ay sapat at puwedeng tapusin iyon bukas. Subalit siya’y disidido. Nang may bandang hapon, siya’y lumabas sa kuwarto, nag-iinat at medyo naninigas, subalit may ipinagmamalaking ngiti. Gumugol iyon ng halos anim na oras, subalit kaniyang narating ang kaniyang tunguhin!
“Sapol nang panahong ito, siya’y nagsimulang mag-aral sa paaralan, at ayon sa kaniyang guro ay siya ang pinakamagaling na mambabasa na narinig nila kailanman.”
Ikaw rin naman ay maaaring tumanggap ng tapes na ito (sa Ingles) at ng aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya o ng dalawang iyan, kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon na nasa ibaba:
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng kulay-kayumangging vinyl album kasama ang apat na tapes ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles) kung kaya naglakip ako ng ₱35.00. [ ] Padalhan po ako ng 256-pahina, may-mga-larawang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kaya ako’y naglakip ng ₱35. [ ] Itsek ang alinman sa dalawa o ang dalawa, at lakipan ng kaukulang abuloy. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)