Basta Kailangan Niyang Maalaman
Isang 15-anyos na dalagita na taga-Mobile, Alabama, ang sumulat: “Nang inyong ilabas ang aklat na Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! alam ko na aking babasahin iyon sa malao’t madali.
“Isang gabi nang ako’y hindi gaanong makatulog, kinuha ko ang aklat at basta tiningnan ko lamang ang mga larawan. Sa mga pahina 75, 78, at 86, ako’y nabighani sa mga larawan na naroroon. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin, at basta kailangang malaman ko. Hindi naman maaaring magsimula ako sa gitna sapagkat kung ganoo’y wala akong maiintindihan. Kaya’t nang mismong gabing iyon ay binasa ko ang unang kabanata.
“Nang sumunod na gabi ay binasa ko ang sumunod na kabanata at talagang hindi ko na gustong ibaba pa iyon kaya’t nagpatuloy ako at binasa ko ang sumunod.
“Ito ang pinakakabigha-bighaning aklat na nabasa ko kailanman! Ngayon ay naging kaugalian ko na ang magbasa ng kahit isang kabanata sa gabi. Kung minsan ay nagbabasa ako hanggang ala-una ng mag-uumaga na! . . . Sana’y lahat ng kabataan ay bumasa ng aklat na ito.”
Natitiyak namin na ikaw man ay matutuwa sa mga bagay na matututuhan mo sa Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! Ang pinabalatang aklat na ito ay kasinlaki ng pahina ng magasing ito. Tinatalakay nito na talata-bawat-talata ang buong aklat ng Apocalipsis sa Bibliya, at nagbibigay ng malinaw na paliwanag tungkol sa maraming mga pangitain at simbolo. Pumidido na ng aklat na ito ngayon. Ito’y ₱42 lamang, libre-bayad sa koreo.
Pakisuyong padalhan po ako ng 320-pahinang aklat na Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! Ako’y naglakip ng ₱42.