Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Enero
Linggo ng Enero 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Tulungan ang Iba na Matutuhan ang Hinggil sa Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo.” Tanong-sagot na pagkubre. Itanghal ang mga presentasyon sa parapo 2 (ng makaranasang mamamahayag) at parapo 4 (ng kabataang mamamahayag).
15 min: “Magtakda ng Panahon Para sa Gawain sa Magasin.” Pahayag, kasama ang pagtalakay sa tagapakinig. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 3, ipakita kung papaanong ang iba’t ibang artikulo sa kasalukuyang magasin ay maaaring iharap sa iba’t ibang uri ng mga tao na maaaring matagpuan sa lokal na teritoryo.
Awit 169 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas. Gayundin, ilakip ang masiglang pahayag sa artikulong “Ministerial Training School.”
15 min: Handa Mo Bang Harapin ang Hamon sa Pananampalataya Kapag Nagpapagamot? Masiglang pahayag ng may kakayahang matanda upang tulungan ang mga kapatid na mapahalagahan ang Advance Medical Directive/Release card, na ginagamit ang mga punto sa parapo 1-3 ng Pebrero 1991 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Napansin na marami sa mga card ang hindi napipirmahan, walang testigo, at wala sa panahon. Ipamahagi ang mga bagong card sa mga bautisadong mamamahayag lamang, pagkatapos ay isaalang-alang ang sulat noong Nobyembre 1, 1991 na nagbibigay ng tagubilin kung papaano pupunan ang mga card. Sabihin sa mga kapatid na HINDI susulatan ang mga card ngayong gabi kundi iuuwi nila sa bahay at doon pupunan ito. Subalit HINDI PIPIRMAHAN sa panahong iyon ang card. Dadalhin ang sinulatang card sa susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, kung saan tutulungan kayo ng mga matatanda na pirmahan, testiguhan, at petsahan ito. Titiyakin ng konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat na ang lahat ay nabigyang pansin. (Ang bautisadong mga magulang ay maaaring tulungan para punan ang mga Identity Card ng kanilang mga anak.)
20 min: “Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Enero.” Tanong-sagot na pagsaklaw. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, itanghal kung papaano mapasisimulan ang pag-aaral sa Bibliya sa isang pagdalaw muli.
Awit 154 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Ilakip ang tugon sa mga donasyon. Ipagunita sa sinumang hindi pa nakakompleto ng kanilang Advance Medical Directive/Release card na gawin iyon sa gabing ito sa pamamagitan ng paglapit sa kanilang konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat o sa isa sa iba pang matatanda.
15 min: “Abutin ang Puso ng Inyong Estudyante sa Bibliya.” Tanong-sagot na may kasamang pagtatanghal. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 3, itatanghal ng mamamahayag kung papaano mangangatuwiran sa estudyante sa Bibliya sa pamamagitan ng paggamit ng mga tanong at mga kasulatan mula sa parapo 13 at 14 sa kabanata 1 ng aklat na Mabuhay Magpakailanman.
20 min: “Mga Kabataan—Pagalakin ang Puso ni Jehova.” Tatalakayin ng matanda kasama ng dalawa o tatlong bautisadong kabataang mamamahayag ang parapo 1-18. Idiin ang kahalagahan ng mga artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ” Isaalang-alang ang mga kasulatan habang ipinahihintulot ng panahon.
Awit 80 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 24-30
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
20 min: “Mga Kabataan—Pagalakin ang Puso ni Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 19-33 ng insert. Kapanayamin ang isa o dalawang kabataang mamamahayag. Kumuha ng mga komento kung papaanong ang kongregasyon ay nakatulong sa kanilang espirituwal na paglaki.
15 min: Gawain sa Larangan ng Kongregasyon. Rerepasuhin ng tagapangasiwa sa paglilingkod at ng isa pang matanda ang gawain ng kongregasyon sa nakaraang apat na buwan. Ang ikatlong bahagi ng taon ng paglilingkod ay nakaraan na (Setyembre-Disyembre). Kumusta ang kongregasyon? Magbigay ng taimtim na komendasyon kung saang bahagi mahusay ang kongregasyon. Banggitin din ang mga punto kung saan maaaring gumawa ng pagsulong ang kongregasyon at magbigay ng mga praktikal na mungkahi. Magtapos sa positibo, nakapagpapatibay na paraan. Ang kagalakan ni Jesus ay nagmula sa pagsasagawa ng kaniyang ministeryo. Makakasumpong rin tayo ng malaking kagalakan sa pagiging abala sa gawaing iniatas sa atin ni Jehova.—Juan 4:34; 1 Cor. 15:58.
Awit 179 at pansarang panalangin.
Linggo ng Ene. 31–Peb. 6
5 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na maagang magpasimula sa paglilingkod sa larangan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa dulong sanlinggong ito.
15 min: Iharap ang Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa sa Bahay-Bahay. Maikli at masiglang pahayag hinggil sa napatunayang kahalagahan ng aklat sa pagtulong sa mga tao na makilala at sambahin si Jehova. Itanghal kung papaano ito maaaring ialok ng mamamahayag sa paglilingkod sa dulong sanlinggong ito.
15 min: Ang Paggamit ng Pamilya sa Bagong Yearbook. Pinangungunahan ng ulo ng pamilya ang masiglang pagrerepaso sa pambungad na materyal sa mga unang pahina ng 1994 Yearbook. (Kung wala pang bagong Yearbook, gamitin yaong para sa nakaraang taon sa pagtalakay na ito.) Magtapos sa pamamagitan ng pagbalangkas sa mga kaayusan ng pamilya sa pagbasa ng ilang mga pahina ng Yearbook bawat linggo.
10 min: Lokal na mga pangangailangan. O pahayag ng isang matanda sa “Magkaroon ng Tamang Pangmalas sa Awa ng Diyos,” salig sa Ang Bantayan, Oktubre 1, 1993, mga pahina 22-5.
Awit 188 at pansarang panalangin.