Nilalaman ng Roma
A. INTRODUKSIYON (1:1-15)
B. NAGIGING MATUWID ANG ISA DAHIL SA WALANG-KAPANTAY NA KABAITAN NG DIYOS AT PANANAMPALATAYA KAY JESU-KRISTO (1:16–11:36)
1. Mahalaga ang pananampalataya para maligtas (1:16, 17)
“Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kaniyang pananampalataya” (1:16, 17)
2. Galít ang Diyos sa lahat ng di-makadiyos at masama (1:18-32)
3. Hatol ng Diyos sa mga Judio at Griego (2:1-16)
4. Ang mga Judio at ang Kautusan (2:17–3:8)
Ang isa na nag-aangking sumusunod sa Kautusan pero lumalabag naman dito ay lumalapastangan sa Diyos (2:17-24)
Ang tunay na pagtutuli ay sa loob; ang tunay na Judio ay may pusong tuli (2:25-29)
Ipinagkatiwala sa mga Judio ang salita ng Diyos (3:1, 2)
“Mapatunayan nawang tapat ang Diyos, kahit pa magsinungaling ang lahat ng tao” (3:3-8)
5. Naipakita ng Diyos ang katuwiran niya hindi sa pamamagitan ng kautusan (3:9-31)
Ang lahat ng tao, mga Judio at Gentil, ay nasa ilalim ng kasalanan (3:9-18)
Walang maipahahayag na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan (3:19, 20)
Lahat ng taong nananampalataya kay Kristo ay tatanggap ng walang-bayad na regalo—ipahahayag silang matuwid (3:21-28)
Ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga Judio, kundi ng mga tao ng lahat ng bansa (3:29-31)
6. Ipinahayag na matuwid si Abraham dahil sa pananampalataya bago pa maibigay ang Kautusan (4:1-25)
7. Pakikipagkasundo sa Diyos; kamatayan dahil kay Adan, buhay dahil kay Kristo (5:1-21)
Ang mga ipinahayag na matuwid dahil sa pananampalataya ay nagiging maligaya at nagkakaroon ng pag-asa at mapayapang kaugnayan sa Diyos (5:1-5)
Ang mga dating makasalanan at kaaway ng Diyos ay naipagkasundo sa kaniya (5:6-11)
Dahil sa pagkakasala ni Adan, lumaganap ang kamatayan sa lahat at namahala bilang hari (5:12-14)
Dahil sa regalo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo, naipahayag na matuwid ang maraming tao (5:15-17)
Naghari ang walang-kapantay na kabaitan kapalit ng paghahari ng kasalanan (5:18-21)
8. Bagong buhay sa pamamagitan ng bautismo kay Kristo (6:1-23)
9. Natupad ang layunin ng Kautusan; isiniwalat ng kautusan na namamatay ang lahat ng tao dahil sa kasalanan (7:1-25)
10. Ang matuwid na katayuan ng mga kaisa ni Kristo (8:1-39)
Ang pamumuhay ayon sa espiritu ay nagpapalugod sa Diyos at umaakay sa buhay at kapayapaan (8:1-11)
Nagpapatotoo sa pag-aampon ang espiritu ng Diyos (8:12-17)
Hinihintay ng lahat ng tao ang pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos (8:18-21)
Dumaraing ang mga nilalang (8:22-25)
Ang espiritu ay nakikiusap sa Diyos para sa mga banal (8:26, 27)
Pinangyayari ng Diyos na magtulong-tulong ang lahat ng kaniyang gawa para sa mga umiibig sa kaniya (8:28-30)
“Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang lalaban sa atin?” (8:31-34)
Walang makapaghihiwalay sa mga matuwid sa pag-ibig ng Diyos (8:35-39)
11. Ang kalooban ng Diyos bilang Kataas-taasan at ang likas na Israel (9:1-33)
Namimighati si Pablo dahil sa mga kamag-anak niya, ang mga Israelita (9:1-5)
Ang tunay na supling ni Abraham (9:6-13)
Hindi nakadepende ang pagpili ng Diyos sa kagustuhan o pagsisikap ng mga tao (9:14-18)
Hindi tamang kuwestiyunin ang pagpili ng Diyos, ang Magpapalayok (9:19-26)
Isang maliit na grupo lang ng likas na Israel ang maliligtas (9:27-29)
Natisod ang Israel dahil hindi sila nanampalataya (9:30-33)
12. Kung paano magiging matuwid sa harap ng Diyos (10:1-21)
Si Kristo ang wakas ng Kautusan (10:1-4)
Katuwiran na resulta ng pananampalataya; hayagang pagsasabi ng mensahe para sa kaligtasan (10:5-10)
Kailangang tumawag ng mga Judio at Griego sa pangalan ni Jehova para maligtas (10:11-13)
Kailangang mangaral para ang iba ay makarinig, maniwala, at tumawag kay Jehova (10:14, 15)
Binigyan ng pagkakataon ang likas na Israel, pero hindi sila tumugon dahil sa kawalan ng pananampalataya (10:16-21)
13. Inilarawan ang pagliligtas sa buong Israel sa pamamagitan ng ilustrasyon tungkol sa punong olibo (11:1-36)
Hindi buong likas na Israel ang itinakwil (11:1-16)
Dahil sa kawalan ng pananampalataya, ang ilang likas na sanga ng Israel ay pinutol at inihugpong ang “ligáw” na mga di-Israelita (11:17-24)
Isiniwalat ng sagradong lihim kung paano maliligtas ang buong espirituwal na Israel (11:25-32)
“Talagang kahanga-hanga ang saganang pagpapala, karunungan, at kaalaman ng Diyos!” (11:33-36)
C. MGA PAYO KUNG PAANO MAMUMUHAY ANG TUNAY NA MGA KRISTIYANO (12:1–15:13)
1. Buong-pusong pagsamba sa Diyos at tamang pakikitungo sa mga kapananampalataya at sa iba (12:1-21)
Iharap ang inyong katawan bilang isang haing buháy at banal gamit ang inyong kakayahan sa pangangatuwiran (12:1, 2)
Ang mga Kristiyano ay may iba’t ibang kakayahan pero bahagi ng iisang katawan (12:3-8)
Mahalin at igalang ang mga kapananampalataya; maging masigasig, matiisin, at mapagpasakop habang naglilingkod kay Jehova (12:9-16)
“Patuloy na daigin ng mabuti ang masama” (12:17-21)
2. Ang tunay na mga Kristiyano at ang gobyerno (13:1-7)
3. Sundin ang kautusan ng pag-ibig at manatiling gising (13:8-14)
4. Itaguyod ang pagkakaisa; ang Kaharian ng Diyos ay magdudulot ng katuwiran, kapayapaan, at kagalakan (14:1–15:13)
D. INALALA NI PABLO ANG MINISTERYO NIYA AT TUMINGIN SA HINAHARAP (15:14-29)
Nakibahagi si Pablo sa banal na gawain ng paghahayag ng mabuting balita ng Diyos (15:14-16)
Inilahad ni Pablo ang mga nagawa na niya (15:17-21)
Napangaralan na ni Pablo ang lahat ng teritoryo kaya gusto na niyang magpunta sa Espanya pagkadaan sa Roma (15:22-24)
Nagpunta si Pablo sa Jerusalem dala ang mga kontribusyon mula sa Macedonia at Acaya (15:25-29)
E. MGA HULING PAYO AT PAGBATI (15:30–16:27)
Pinakiusapan ni Pablo ang mga Kristiyano sa Roma na ipanalangin siya (15:30-33)
Ipinakilala ni Pablo si Febe, na naglilingkod sa kongregasyon sa Cencrea (16:1, 2)
Espesipikong binati ni Pablo ang mga Kristiyano sa Roma (16:3-16)
Babala laban sa pagkakabaha-bahagi (16:17-19)
Malapit nang durugin ng Diyos si Satanas (16:20)
Mga pagbati mula sa mga kamanggagawa ni Pablo (16:21-24)
Ibigay sa Diyos, na tanging marunong, ang kaluwalhatian sa pamamagitan ni Jesu-Kristo (16:25-27)