Mga Pagbisita ni Pablo sa Mileto
Makikita sa mapa ang sinaunang lunsod ng Mileto, sa kanlurang baybayin ng Asia Minor (nasa Türkiye ngayon). Ayon sa Bibliya, di-bababa sa dalawang beses na nagpunta si Pablo sa lunsod na ito. Una siyang bumisita dito sa katapusan ng ikatlong paglalakbay niya bilang misyonero (mga 56 C.E.). Papunta siya noon sa Jerusalem, pero dumaong muna siya sa Mileto, at ipinatawag niya ang matatandang lalaki sa kongregasyon ng Efeso para sa isang mahalagang pagtitipon. Para makarating sa Mileto ang matatandang lalaki mula sa Efeso, kailangan nilang maglakbay nang mga 70 km (44 mi), at posibleng naglayag din sila. Nagkita sila at nag-iyakan bago nila ihatid si Pablo sa barko para ipagpatuloy ang paglalakbay niya. (Gaw 20:17-38) Lumilitaw na bumisita ulit si Pablo sa Mileto pagkalaya niya sa unang pagkakabilanggo niya sa Roma. Sinabi ni Pablo na “iniwan [niya] si Trofimo sa Mileto dahil may sakit [ito].”—2Ti 4:20; tingnan ang mapa na “Mga Paglalakbay ni Pablo Pagkatapos ng mga 61 C.E.”
1. Mga guho ng isang sinaunang daungan. Dahil sa naipong buhanging dala ng tubig, ang guho ng Mileto ay makikita na ngayon mga 8 km (5 mi) mula sa dagat.
2. Ang sinaunang teatrong ito ay itinayo noong ikatlong siglo B.C.E., pero ilang beses na itong kinumpuni.
3. Makikita sa mapa ang baybayin noon.
Credit Lines:
© Serhii Kolotusha/Dreamstime.com; tolgaildun/stock.adobe.com
Kaugnay na (mga) Teksto: