Mula sa Aming mga Mambabasa
Pagtanggi sa mga Droga
Nais ko kayong pasalamatan at batiin sa mga serye ng artikulo tungkol sa droga na inilathala sa pitak na “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ” (Agosto 8, Disyembre 8, 1985, Pebrero 8, Pebrero 22, Abril 8, 1986 sa Tagalog) Sa loob ng tatlong taon palagian akong humihitit ng marijuana, at sinisira nito ang aking kalusugan. Hindi ko maunawaan ang aking mga guro sa paaralan, ang aking alaala ay humihina, at hindi ako makapagbuhos ng isip sa anumang bagay sa loob ng mahabang panahon. Ako’y nagpapasalamat ngayon kay Jehova sa kaniyang kagandahang-loob sa pagligtas sa akin mula sa mga droga. Ngayon alam ko na kung ano ang aking gagawin upang huwag magsimulang gumamit muli ng mga droga.
G. B. V., Mexico
Salamat sa inyong mga artikulo tungkol sa mga droga. Dinala ko ang seryeng ito ng mga artikulo sa aking klase sa kalusugan sa paaralan. Binigyan ako ng aking guro ng karagdagang kredito sa pag-aaksaya ng panahon na hanapin ang impormasyon tungkol sa mga droga. Ang inyong mga artikulo ay talagang nakakatulong.
H. P., New York
Pagtatapat sa mga Magulang
Ako’y nangyaring sumulat sa inyo tungkol sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Dapat Ko bang Sabihin sa Aking mga Magulang?” (Mayo 22, 1986 sa Tagalog) Ako’y 12 anyos, at ako’y napasangkot sa maraming problema at hindi ko masabi ito sa aking mga magulang. Nakapanlulumo ito sa akin. Nagkaroon ako ng isang masamang budhi, at naapektuhan ang aking pag-aaral. Pagkatapos ay kinausap ng mga matatanda ang aking ama, at kailangang sabihin ko ang lahat ng bagay. Kung nakipag-usap lamang sana ako sa aking mga magulang noon, hindi sana ito naging napakasama. Ngayon pagkaraan ng apat na buwan, nakakabawi na ako. Talagang nakatutulong na pag-usapan ito.
M., Inglatera
Ang inyong artikulo ay tumulong sa akin na makita na dapat kung sabihin sa aking mga magulang ang aking mga problema. Nasumpungan kong mas madaling sabihin sa aking nanay. Ang aking ama ay lubhang kakaiba. Pakisuyong bigyan pa ninyo ako ng higit na payo tungkol sa problema kong ito. Ito nga ay isang mahirap na paksa.
A. S., Ohio
Masusumpungan mo na kapaki-pakinabang na magtapat sa iyong mga magulang. Binabanggit ng Bibliya sa Kawikaan 1:8: “Dinggin mo . . . ang disiplina ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina.” Tingnan din ang Kawikaan 4:1; 6:20; 23:22; at Efeso 6:1-3. Tingnan din ang hinaharap na mga artikulo.—ED.
Mahalaga ba ang Hitsura?
Maraming salamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Gaano Kahalaga ang Hitsura?” (Hunyo 8, 1986 sa Tagalog) Gayundin ang artikulo sa labas ding iyon na “Kapayapaan sa Pamilya—Ano ang Sekreto?” Malaki ang naitulong nito kapuwa sa akin sa paaralan at sa tahanan. Ang aming pamilya ay mas mapayapa ngayon, at ang pagiging maganda ay hindi ang pinakamahalagang bagay. Natalos ko ito.
S. I., Indiana
Pagpapabuti sa Buhay Pampamilya
Nag-asawa ako nang ako ay 16. Ang aking ama ay isang lasenggo, at ang aking ina ay kailangang magtrabaho upang paglaanan ako at ang aking mga kapatid na babae. Hindi ako natutong mag-ayos ng bahay. Ang ginawa ko lamang ay sumigaw at magreklamo tungkol sa paglalaba ng mga lampin at iba pang mga damit. Kaya’t ang asawa ko ay nagkubli sa mga bar sa aming lugar, nilulustay ang kaniyang kinita na kasama ng kaniyang mga kaibigan. Upang magpalipas ng panahon, basa ako nang basa, at dahilan sa wala akong pera para sa iba pang mga aklat, binasa ko ang Bibliya ng aking ina. Natutuhan ko na ang aking ginagawa ay mali at sinikap kung mapanumbalik-muli ang aking asawa. Pagkatapos ay nabasa ko ang inyong mga artikulo tungkol sa “Pakikipagtalastasan ng Pamilya—Bakit Gumuguho?” (Hunyo 8, 1985 sa Tagalog) Sana’y ipagpatuloy ninyo ang paglathala ng gayong kamangha-manghang mga impormasyon na tumutulong sa mga pamilya.
L. P., Brazil
Tingnan ang “Kapayapaan sa Pamilya—Ano ang Sekreto?” sa Hunyo 8, 1986, ng “Gumising!”—ED.