Ang mga Uru—Taong Pulo sa Lawa Titicaca
Ang Lawa Titicaca, tahanan ng mga Uru Indian, ay nag-aanyo ng bahagi ng hangganan sa pagitan ng Peru sa kanluran at ng Bolivia sa silangan. Bilang bahagi ng aming pagdalaw sa Peru, isinama namin ang pambihirang tribong ito ng Indian na nakatira sa kanilang lumulutang na mga isla sa itaas ng Andes.
Nang marating namin ang Lawa Titicaca maaga noong isang umaga, kami’y nalipos ng galak sa pagkalaki-laking bughaw na langit na mababanaag sa mahinahong pinilakang lawa. Batid namin na sa taas na 3,800 metro, ito ang pinakamataas na lawa sa daigdig na nadaraanan ng malalaking sasakyang-dagat. Subalit hindi kami handa sa laki nito—halos 190 kilometro ang haba at 80 kilometro ang lapad.
Dinalaw namin ang isa sa mga nayong Uru sa isang lumulutang na isla ng mga tambong totora. Habang ang lumang mga tambo sa ilalim ay nabubulok, ang mga Uru Indian ay pumuputol ng bagong mga tambo at gumagawa ng bagong pang-ibabaw para sa kanilang malambot na isla. Sumakay kami sa isang karaniwang balsang tambo at nagulat kami kung gaano katatag at lumulutang ang mga balsang ito. Doon sa isla, binigyan namin ang mga bata ng regalong mga tinapay, na waring pinasasalamatan nila na kakaiba sa kanilang normal na pagkain. Bilang kabayaran kinunan namin ng mga larawan ang kanilang mapayapa, lumulutang na istilo ng buhay.
Isang alamat doon ang nagsasabi na pagkatapos ng pansansinukob na Baha, ang mga sinag ng araw ay unang sumilay sa Lawa Titicaca. Kahanga-hangang masumpungan ang kuwento tungkol sa Baha sa malayong Andes, napakalayo sa Mesopotamia at napakalapit sa lumulutang Urus! (Ihambing ang Genesis, kabanata 6-8.)—Isinulat.