Awit 46
Si Jehova ang Ating Hari!
1. Luwalhatiin si Jehova,
’Nihayag ng langit ang katwiran niya.
Umawit sa ’ting Diyos, atin siyang purihin;
Dakilang gawa’y bigyang-pansin.
(KORO)
Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
2. Kal’walhatia’y ibalita;
Pagliligtas niya’y sabihin sa madla.
Si Jehova’y Hari; marapat purihin.
Yumukod at siya ay sambahin.
(KORO)
Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
3. Pamamahala Niya’y tatag na.
Sa trono ang Anak ay ’niluklok niya.
Mga diyos ng mundo ay mapapahiya,
Papuri’y tanging kay Jehova.
(KORO)
Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
Ang langit, magsaya, Ang lupa, magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
(Tingnan din ang 1 Cro. 16:9; Awit 68:20; 97:6, 7.)