AWIT 9
Si Jehova ang Ating Hari!
1. Luwalhatiin si Jehova,
Langit ay naghayag ng kat’wiran niya.
Umawit sa ’ting Diyos, siya’y ating purihin;
Dakilang gawa niya’y sambitin.
(KORO)
Langit ay magsaya, Lupa ay magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
Langit ay magsaya, Lupa ay magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
2. Kal’walhatian ni Jehova,
Ihayag natin ’to sa mga bansa.
Siya ang Hari natin, dapat siyang purihin.
Yumukod at siya ay sambahin.
(KORO)
Langit ay magsaya, Lupa ay magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
Langit ay magsaya, Lupa ay magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
3. Kaharian Niya’y natatag na.
Sa trono ang Anak ay ’niluklok niya.
Mga diyos ng mundo
ay mapapahiya,
Papuri’y tanging kay Jehova.
(KORO)
Langit ay magsaya, Lupa ay magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
Langit ay magsaya, Lupa ay magalak,
Si Jehova ay naging Hari!
(Tingnan din ang 1 Cro. 16:9; Awit 68:20; 97:6, 7.)