ARALIN 16
Nakapagpapatibay at Positibo
Job 16:5
KUNG ANO ANG GAGAWIN: Sa halip na magpokus sa problema, magpokus sa solusyon at sa mga bagay na magpapakilos sa mga tagapakinig.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Magkaroon ng positibong pananaw sa mga tagapakinig. Magtiwalang gusto ng mga kapananampalataya mo na mapasaya si Jehova. Kahit na kailangan mong magpayo, magbigay muna ng taimtim na komendasyon hangga’t posible.
Limitahan ang negatibong impormasyon. Bumanggit lang ng negatibong mga bagay may kinalaman sa isang paksa kung makakatulong ito. Dapat na positibo ang kabuoan ng pahayag o presentasyon mo.
Gamiting mabuti ang Salita ng Diyos. Itampok ang mga ginawa, ginagawa, at gagawin ni Jehova para sa mga tao. Pasiglahin at patibayin ang mga tagapakinig mo.