ARALIN 19
Tumatagos sa Puso
Kawikaan 3:1
KUNG ANO ANG GAGAWIN: Tulungan ang mga tagapakinig na makita ang kahalagahan ng natututuhan nila at isabuhay iyon.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Tulungan ang mga tagapakinig na suriin ang sarili nila. Gumamit ng retorikal na mga tanong para tulungan ang mga tagapakinig mo na suriin ang damdamin nila.
Antigin ang mabuting kalooban ng mga tagapakinig. Himukin ang mga tagapakinig na pag-isipan kung bakit sila gumagawa ng mabuti. Tulungan silang magkaroon ng pinakamabubuting motibo—pag-ibig kay Jehova, sa kapuwa, at sa mga turo ng Bibliya. Mangatuwiran sa mga tagapakinig; huwag silang sermunan. Huwag silang ipahiya o konsensiyahin. Sa halip, patibayin sila at hikayating gawin ang buong makakaya nila.
Tulungan ang mga tagapakinig na kay Jehova magpokus. Ipaliwanag kung paano ipinapakita ng mga turo, mga simulain, at mga utos ng Bibliya ang mga katangian ng Diyos at ang pag-ibig niya sa atin. Tulungan ang mga tagapakinig mo na maging palaisip sa damdamin ni Jehova at magkaroon ng kagustuhang mapasaya siya.