BAAL-GAD
[May-ari kay Gad (Mabuting Kapalaran)].
Isang bayan sa kapatagang libis ng Lebanon na nasa paanan ng Bundok Hermon, sa K panig nito. Ginagamit ito upang tumukoy sa pinakahilagang dako na nasakop ni Josue sa lupain ng Canaan, kung ihahambing sa timugang dako ng Bundok Halak sa Negeb. (Jos 11:17; 12:7; 13:5) Hindi matiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito, ngunit karaniwang ipinapalagay na ito rin ang Hasbaiya sa Wadi et-Teim o isang kalapit na dako.