HAURAN
[Namutla].
Isang hangganang dako sa pangitain ni Ezekiel hinggil sa mana ng Israel. (Eze 47:13, 15, 16, 18) Ayon sa ilang iskolar, humigit-kumulang ay saklaw nito ang lugar na dating sakop ng terminong “Basan.” (Tingnan ang BASAN.) Lumilitaw na ang Hauran ang distrito na tinukoy sa sinaunang mga tekstong Ehipsiyo (bilang Huruna) at mga dokumentong Asiryano ni Salmaneser III (bilang Hauranu). Waring ito rin ang mas maliit na rehiyong tinawag na Auranitis noong mga panahong Griego-Romano. Ang pangalang Hauran ay ikinakapit ngayon sa alun-along parang na may mataba at mapulang lupa na nasa pagitan ng Damasco at ng Yarmuk.