SALECA
Isang lunsod sa silanganing hangganan ng Basan, at kasama sa nasasakupan ni Og. Nakuha ng Israel ang Saleca sa ilalim ng pangunguna ni Moises at nang maglaon ay tinirahan ito ng mga Gadita. (Deu 3:8, 10; Jos 12:4, 5; 13:8, 11; 1Cr 5:11) Karaniwang ipinapalagay na ito ay ang Salkhad, na nasa timugang sanga ng Jebel ed Druz (Jebel Hauran), mga 100 km (60 mi) sa STS ng timugang dulo ng Dagat ng Galilea.