JUBAL
[posible, Barakong Tupa].
Anak nina Lamec at Ada; inapo ni Cain. Bilang ‘tagapagpasimula ng lahat niyaong humahawak ng alpa at ng pipa,’ maaaring si Jubal ang nakaimbento kapuwa ng mga panugtog na de-kuwerdas at panugtog na hinihipan, o marahil ay ‘pinasimulan’ niya ang isang propesyon na lubhang nagpasigla sa pag-unlad ng musika.—Gen 4:17-21.