Mga Nangungunang Tagapangasiwa—Ang Tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
1 Ang tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay isang espirituwal na lalaking maygulang na nagpapagal sa pagsasalita at pagtuturo at na karapat-dapat sa ating papuri at pakikipagtulungan. (1 Tim. 5:17) Anu-ano ang kaniyang mga pananagutan?
2 Ang aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa Kingdom Hall ay nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga. Siya’y lubhang interesado na mapasigla ang lahat ng kuwalipikado na magpatala sa paaralan. Titiyakin niyang may wastong rekord na naiingatan upang ang mga atas ay magawa nang maayos, mga tatlong linggo man lamang ang aga sa bawat sesyon ng paaralan. Kailangan niyang makilalang mabuti ang kongregasyon, taglay sa isipan ang bawat estudyante at ang kakayahan nito. Bagaman maaaring tumulong sa kaniya ang isa pang kapatid na lalaki sa paghahanda ng iskedyul ng paaralan, ang wastong pag-aatas ng mga bahagi ay nasa personal na superbisyon ng tagapangasiwa.
3 Upang mabisang makapagturo sa paaralan, dapat na lubusang maghanda ang tagapangasiwa bawat linggo, na pinag-aaralang mabuti ang atas na materyal. Sa ganito’y mapananatili niyang masigla ang kongregasyon hinggil sa kurso ng pag-aaral, matitiyak na ang atas na materyal ay wastong nakukubrehan, at maitatampok ang mahahalagang punto na sasaklawin sa mga nasusulat na repaso.
4 Kasunod ng bawat pahayag ng estudyante, papupurihan ng tagapangasiwa ang estudyante at ipaliliwanag kung bakit ang isang kalidad sa pagsasalita ay mabuti o kung bakit ito ay nangangailangan ng pagpapasulong. Kapag may nangangailangan ng karagdagang tulong sa paghahanda ng kaniyang mga atas sa paaralan, ang tagapangasiwa o ang sinumang inatasan niya ay maaaring magbigay ng personal na tulong.
5 Upang makinabang nang lubusan sa ginagawang pagpapagal ng tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro at ng karagdagang mga tagapayo na naglilingkod sa ilalim ng kaniyang pangangasiwa, dapat tayong palagiang dumalo sa paaralan. Dapat din nating gampanan ang lahat ng ating atas at ikapit ang payo na ating natatanggap lakip na yaong ibinigay sa iba pang mga estudyante. Sa ganitong paraan, patuloy nating mapasusulong ang ating kakayahang iharap sa madla at sa bahay-bahay ang mensahe ng Kaharian.—Gawa 20:20; 1 Tim. 4:13, 15.