-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naawa: Ang pandiwang Griego na ginamit dito (splag·khniʹzo·mai) ay may kaugnayan sa salita para sa “bituka” (splagʹkhna), na nagpapahiwatig ng isang damdaming nadarama sa kaloob-looban ng isang tao, isang matinding emosyon. Isa ito sa pinakamapuwersang salita sa Griego para sa pagkadama ng awa.
sugatán: Ang salitang Griego para dito ay literal na nangangahulugang “nabalatan,” na lumalarawan sa mga tupang nagkasugat-sugat dahil sa pag-atake ng mababangis na hayop at dahil sa pagpapagala-gala sa lugar na may matitinik na halaman at matutulis na bato. Nang maglaon, ang terminong ito ay nangangahulugan na ring “minaltrato, sinaktan, sinugatan.”
napabayaan: Inilalarawan nito ang mga tupang ibinagsak, walang kalaban-laban, at pagod na pagod. Ang mga tupang ito ay makasagisag na tumutukoy sa mga taong ipinagtabuyan, pinabayaan, at walang kalaban-laban.
-