-
Mateo 20:29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Habang papalabas sila mula sa Jerico, maraming tao ang sumunod sa kaniya.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Jerico: Ang unang lunsod sa Canaan sa kanluran ng Ilog Jordan na nasakop ng mga Israelita. (Bil 22:1; Jos 6:1, 24, 25) Noong panahon ni Jesus, nagkaroon ng isang bagong lunsod mga 2 km (mahigit isang milya) sa timog ng naunang lunsod. Posibleng iyan ang dahilan kaya sa kaparehong ulat sa Luc 18:35, ang binanggit ay “habang papalapit si Jesus sa Jerico.” Puwedeng ginawa ni Jesus ang himala habang papalabas siya sa Judiong lunsod at papalapit sa Romanong lunsod o kabaligtaran.—Tingnan ang Ap. B4 at B10.
-