-
MateoTulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Bundok ng mga Olibo: Ito ay nasa silangan ng Jerusalem, at nasa pagitan nito at ng lunsod ang Lambak ng Kidron. Mula rito, tanaw ni Jesus at ng mga alagad niyang sina “Pedro, Santiago, Juan, at Andres” (Mar 13:3, 4) ang lunsod at ang templo nito.
presensiya: Ang salitang Griego na pa·rou·siʹa (“pagparito” sa maraming salin) ay literal na nangangahulugang “pagiging nasa tabi.” Tumutukoy ito sa presensiya sa isang yugto ng panahon sa halip na sa mismong pagdating. Ang ganitong kahulugan ng pa·rou·siʹa ay makikita sa Mat 24:37-39, kung saan ang “panahon ni Noe . . . bago ang Baha” ay ikinumpara sa “presensiya ng Anak ng tao.” Sa Fil 2:12, ginamit ni Pablo ang salitang ito para tukuyin ang panahong “kasama” siya ng mga kapuwa niya Kristiyano, kabaligtaran ng panahong “wala” siya.
katapusan: Mula sa salitang Griego na syn·teʹlei·a, na nangangahulugang “sabay-sabay na katapusan; magkakasamang magtatapos.” (Mat 13:39, 40, 49; 28:20; Heb 9:26) Tumutukoy ito sa yugto ng panahon kung kailan sabay-sabay na magaganap ang mga pangyayari na hahantong sa ganap na “wakas” na binanggit sa Mat 24:6, 14, kung saan ibang salitang Griego (teʹlos) ang ginamit.—Tingnan ang study note sa Mat 24:6, 14 at Glosari, “Katapusan ng sistemang ito.”
sistemang ito: O “panahong ito.” Dito, ang salitang Griego na ai·onʹ ay tumutukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon.—Tingnan sa Glosari, “Sistema.”
-