-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kung saan: Tumutukoy sa “Gehenna,” na binanggit sa naunang talata. Gaya ng makikita sa study note sa Mat 5:22, noong panahon ni Jesus, ang Lambak ng Hinom (salitang pinagkunan ng terminong “Gehenna”) ay naging sunugan ng basura. Ang sinabi ni Jesus na ang mga uod ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi nawawala ay maliwanag na kinuha niya sa hulang binanggit sa Isa 66:24. Ang hulang iyon ay hindi tungkol sa pagpapahirap sa buháy na mga tao; sa halip, binabanggit nito ang mangyayari sa “mga bangkay” ng nagrebelde kay Jehova. Anumang hindi matupok ng apoy ay kakainin ng mga uod. Batay rito, ito ang ibig sabihin ni Jesus: Ang hatol ng Diyos sa masasama ay hindi tumutukoy sa pagpapahirap, kundi sa lubusang pagkapuksa.
-