-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
anak ni Adan: Tinunton ni Lucas ang talaangkanan ni Jesus hanggang kay Adan, ang ninuno ng lahat ng tao. Ipinakita nitong talagang isinulat ni Lucas ang mabuting balita para sa lahat ng tao, Judio man o hindi. Tinunton naman ni Mateo ang talaangkanan ni Jesus hanggang kay Abraham, dahil lumilitaw na isinulat niya ang kaniyang Ebanghelyo, partikular na para sa mga Judio. Maliwanag din na para sa lahat ng tao ang Ebanghelyo ni Lucas dahil makikita dito na ang mensahe at mga gawa ni Kristo ay nakakatulong sa anumang uri ng tao, gaya ng ketonging Samaritano, mayamang maniningil ng buwis, at makasalanang magnanakaw na nag-aagaw-buhay sa tulos.—Luc 17:11-19; 19:2-10; 23:39-43.
Adan, na anak ng Diyos: Ipinapakita nito ang pinagmulan ng lahat ng tao, at kaayon ito ng ulat ng Genesis na nilalang ng Diyos ang unang tao at ginawa niya ang tao ayon sa kaniyang larawan. (Gen 1:26, 27; 2:7) Sinusuportahan din nito ang iba pang bahagi ng Kasulatan, gaya ng Ro 5:12; 8:20, 21; at 1Co 15:22, 45.
-