-
Juan 2:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Sinabi naman ng mga Judio: “Itinayo ang templong ito nang 46 na taon, at maitatayo mo ito sa loob lang ng tatlong araw?”
-
-
Juan 2:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Sa gayon ay sinabi ng mga Judio: “Ang templong ito ay itinayo sa loob ng apatnapu’t anim na taon, at itatayo mo ba ito sa loob ng tatlong araw?”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Itinayo ang templong ito nang 46 na taon: Ang tinutukoy ng mga Judio ay ang pagtatayong muli ng templo noong panahon ni Haring Herodes. Ang unang templo sa Jerusalem, na itinayo ni Solomon, ay winasak ng mga Babilonyo noong 607 B.C.E. Itinayo itong muli sa pangunguna ni Zerubabel pagkalaya ng mga Judio sa Babilonya. (Ezr 6:13-15; Hag 2:2-4) Ayon kay Josephus (Jewish Antiquities, XV, 380 [xi, 1]), sinimulan ni Herodes na itayo itong muli noong ika-18 taon ng pamamahala niya. Kung bibilangin ito mula sa kinikilala ng mga Judio na opisyal na taon ng pamamahala ng isang hari, papatak ito ng 18/17 B.C.E. Ang totoo, nagpatuloy ang konstruksiyon sa templo hanggang noong anim na taon bago ito wasakin noong 70 C.E.
-