-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bigyang-daan ninyo ang poot: Tumutukoy sa poot ng Diyos, ayon sa konteksto. Ang sumunod na bahagi ay ang sinabi ng Diyos sa Deuteronomio na sinipi ni Pablo: “Akin ang paghihiganti, at ako ang magpaparusa.” (Deu 32:19-35) Hindi lumitaw sa tekstong Griego ng Ro 12:19 ang ekspresyong “ng Diyos,” pero maraming tagapagsalin ng Bibliya ang nagdagdag nito para mapalitaw ang tamang ideya. Kaya lumilitaw na ganito ang ibig sabihin ng talatang ito: ‘Sa halip na mapoot, ipaubaya ito sa Diyos. Hayaang siya ang magpasiya kung kailan at kanino dapat ilapat ang paghihiganti.’ Ang payong ito ay kaayon ng mga babala sa Bibliya na huwag maglabas ng galit. (Aw 37:8; Ec 7:9; Mat 5:22; Gal 5:19, 20; Efe 4:31; San 1:19) Paulit-ulit na idiniin sa aklat ng Kawikaan na dapat nating kontrolin ang galit.—Kaw 12:16; 14:17, 29; 15:1; 16:32; 17:14; 19:11, 19; 22:24; 25:28; 29:22.
sabi ni Jehova: Sumipi si Pablo mula sa Deu 32:35, at malinaw sa konteksto na pananalita ni Jehova ang sinipi niya.—Deu 31:16, 19, 22, 30; 32:19-34; ihambing ang study note sa Mat 1:22; tingnan ang Ap. C1 at introduksiyon sa C3; Ro 12:19.
-