-
1 Corinto 3:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 At kung ang sinuman ay magtayo sa pundasyon gamit ang ginto, pilak, mamahaling bato, kahoy, dayami, o pinaggapasan,
-
-
1 Corinto 3:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Ngayon kung ang sinuman ay nagtatayo sa ibabaw ng pundasyon ng ginto, pilak, mahahalagang bato, mga materyales na kahoy, dayami, pinaggapasan,
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ginto, pilak, mamahaling bato, kahoy, dayami, o pinaggapasan: Pinasigla ni Pablo ang mga Kristiyano sa Corinto na turuang mabuti ang mga bagong alagad na pinangaralan niya noon at tulungan silang magkaroon ng mga katangiang Kristiyano. (1Co 3:6) Bilang ilustrasyon, pinagkumpara niya ang matitibay na materyales sa pagtatayo na hindi natutupok ng apoy at ang mahihinang materyales na madaling masunog. Kahit mayaman ang Corinto, iba’t ibang klase ng tao ang nakatira dito kaya siguradong parehong makikita rito ang matitibay at marurupok na gusali. May magagarang templo na gawa sa malalaki at mamahaling tipak ng bato at posibleng napapalamutian ng ginto at pilak. Posibleng makikita ang matitibay na gusaling ito di-kalayuan sa mga kubo at tolda sa pamilihan na gawa sa magagaspang na kahoy at dayami. Sa makasagisag na pagtatayo, ang ginto, pilak, at mamahaling bato ay lumalarawan sa mga katangiang gaya ng matibay na pananampalataya, makadiyos na karunungan, kaunawaan, katapatan, at pag-ibig at pagpapahalaga kay Jehova at sa mga utos niya. Mahalaga ang ganitong mga katangian para magkaroon ang isang Kristiyano ng matibay na kaugnayan sa Diyos na Jehova na hindi masisira sa harap ng pagsubok.
-