1 Corinto
3 Kaya nga, mga kapatid, hindi ako nakapagsalita sa inyo na gaya ng sa mga taong espirituwal,+ kundi gaya ng sa mga taong makalaman, gaya ng sa mga sanggol+ kay Kristo. 2 Pinainom ko kayo ng gatas, hindi ng bagay na kinakain,+ sapagkat wala pa kayong sapat na lakas. Sa katunayan, wala pa rin kayong sapat na lakas ngayon,+ 3 sapagkat kayo ay makalaman pa.+ Sapagkat habang may paninibugho at hidwaan sa gitna ninyo,+ hindi ba kayo makalaman at hindi ba kayo lumalakad na gaya ng mga tao?+ 4 Sapagkat kapag may isang nagsasabi: “Ako ay kay Pablo,” ngunit sinasabi naman ng iba: “Ako ay kay Apolos,”+ hindi ba kayo mga tao lamang?
5 Ano nga si Apolos?+ Oo, ano si Pablo? Mga ministro+ na sa pamamagitan nila ay naging mga mananampalataya kayo, ayon nga sa ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa. 6 Ako ang nagtanim,+ si Apolos ang nagdilig,+ ngunit ang Diyos ang patuloy na nagpapalago nito;+ 7 anupat siya na nagtatanim ay walang anuman+ ni siya na nagdidilig, kundi ang Diyos na nagpapalago nito.+ 8 Ngayon siya na nagtatanim at siya na nagdidilig ay iisa,+ ngunit ang bawat tao ay tatanggap ng kaniyang sariling gantimpala ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.+ 9 Sapagkat kami ay mga kamanggagawa ng Diyos.+ Kayo ang sakahang bukid+ ng Diyos, ang gusali ng Diyos.+
10 Ayon sa di-sana-nararapat na kabaitan+ ng Diyos na ibinigay sa akin, gaya ng isang marunong na tagapangasiwa ng mga gawain ay naglatag ako ng pundasyon,+ ngunit iba naman ang nagtatayo sa ibabaw nito. Ngunit patuloy na ingatan ng bawat isa kung paano siya nagtatayo sa ibabaw nito.+ 11 Sapagkat walang taong makapaglalatag ng iba pang pundasyon+ maliban sa nakalatag na, na si Jesu-Kristo.+ 12 Ngayon kung ang sinuman ay nagtatayo sa ibabaw ng pundasyon ng ginto, pilak, mahahalagang bato, mga materyales na kahoy, dayami, pinaggapasan, 13 ang gawa ng bawat isa ay mahahayag, sapagkat ang araw ang magpapakita nito, dahil ito ay masisiwalat sa pamamagitan ng apoy;+ at ang apoy ang siyang magpapatunay kung anong uri ang gawa ng bawat isa. 14 Kung ang gawa ng sinuman na itinayo niya sa ibabaw nito ay manatili,+ tatanggap siya ng gantimpala;+ 15 kung ang gawa ng sinuman ay masunog, daranas siya ng kawalan, ngunit siya mismo ay maliligtas;+ magkagayunman, ito ay magiging waring sa pamamagitan ng apoy.+
16 Hindi ba ninyo alam na kayo ang templo ng Diyos,+ at na ang espiritu ng Diyos ay tumatahan sa inyo?+ 17 Kung gigibain ng sinuman ang templo ng Diyos, gigibain siya ng Diyos;+ sapagkat ang templo ng Diyos ay banal,+ na ang templong+ iyon ay kayo nga.+
18 Huwag dayain ninuman ang kaniyang sarili: Kung iniisip ng sinuman sa inyo na siya ay marunong+ sa sistemang ito ng mga bagay, magpakamangmang siya, upang siya ay maging marunong.+ 19 Sapagkat ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa Diyos;+ sapagkat nasusulat: “Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang sariling katusuhan.”+ 20 At muli: “Alam ni Jehova na ang mga pangangatuwiran ng mga taong marurunong ay walang saysay.”+ 21 Kaya huwag ipaghambog ninuman ang mga tao; sapagkat ang lahat ng bagay ay sa inyo,+ 22 maging si Pablo man o si Apolos+ o si Cefas o ang sanlibutan o buhay o kamatayan o mga bagay na narito ngayon o mga bagay na darating,+ ang lahat ng bagay ay sa inyo; 23 kayo naman ay kay Kristo;+ si Kristo naman ay sa Diyos.+