-
1 Corinto 3:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 kung masunog ito, mawawalan siya, pero siya mismo ay maliligtas; gayunman, magiging gaya siya ng isang taong nakaligtas sa sunog.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gaya siya ng isang taong nakaligtas sa sunog: Kailangang gumamit ang isang ministrong Kristiyano ng materyales na di-natutupok ng apoy para sa kaniyang proyekto ng pagtatayo—ang pagtulong niya sa kaniyang estudyante na magkaroon ng mga katangiang Kristiyano na tutulong dito na harapin ang mga pagsubok. (1Co 3:10-14) Kung hindi iyan gagawin ng tagapagturo, posibleng “masunog” ang itinayo niya kapag napaharap ito sa maapoy na pagsubok. (Mat 28:19, 20; Ro 2:21, 22; 1Ti 4:16; 2Ti 2:15; 4:2) Ang mismong guro ay puwede ring magdusa na gaya ng isang taong nasunugan ng lahat ng pag-aari at muntik na ring mamatay. Ginamit ni Pablo ang ekspresyong “nakaligtas sa sunog” sa makasagisag na paraan, gaya ng iba pang Griegong manunulat noon na gumamit ng ekspresyong “nakaligtas sa apoy” para tukuyin ang isang tao na muntik nang mapahamak dahil sa isang pagsubok o mahirap na sitwasyon.
-