-
1 Corinto 7:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 ngunit kung talaga ngang hihiwalay siya, manatili siyang walang asawa o kaya ay makipagkasundong muli sa kaniyang asawa; at hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
makipagkasundo: Ginamit dito ni Pablo ang pandiwang ka·tal·lasʹso, na pangunahin nang nangangahulugang “makipagpalitan.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pandiwang ito ay nangangahulugang “maging magkaibigan mula sa pagiging magkaaway” o “muling magkasundo.” Posibleng ginamit ni Pablo ang pandiwang ito may kaugnayan sa pag-aasawa para ipakita na puwedeng maayos ang nasirang ugnayan ng mag-asawa, kung paanong puwedeng magkaroon ng mapayapang kaugnayan sa Diyos ang dating kaaway Niya.—Tingnan ang study note sa Ro 5:10.
-