-
1 Corinto 7:32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
32 Talagang gusto kong maging malaya kayo sa mga álalahanín. Laging iniisip ng lalaking walang asawa ang mga bagay na may kaugnayan sa Panginoon, kung paano siya magiging kalugod-lugod sa Panginoon.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Laging iniisip: Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay me·ri·mnaʹo, na may iba’t ibang kahulugan depende sa konteksto. Sa tekstong ito, ginamit ito sa positibong paraan; nagpapahiwatig ito ng pananabik at pagiging nakapokus sa espirituwal na mga bagay para mapasaya ang Panginoon. Sa sumunod na mga talata, tumutukoy ito sa mga asawang lalaki at babae na laging iniisip ang emosyonal, pisikal, at materyal na pangangailangan ng kanilang asawa. (1Co 7:33, 34) Sa 1Co 12:25, ginamit din ang pandiwang ito para ilarawan ang malasakit na nararamdaman ng mga miyembro ng kongregasyon sa isa’t isa. Sa ibang konteksto, puwede itong tumukoy sa pagkabahala ng isang tao na nagiging dahilan para mahati ang isip niya, mawala siya sa pokus, at mawalan ng kagalakan.—Mat 6:25, 27, 28, 31, 34; Luc 12:11, 22, 25, 26; tingnan ang study note sa Mat 6:25; Luc 12:22.
mga bagay na may kaugnayan sa Panginoon: Lahat ng bagay na sumusuporta sa layunin at kalooban ng Anak ng Diyos at ng kaniyang Ama, si Jehova. Ang mga bagay na ito ay nauugnay sa buhay, pagsamba, at ministeryo ng mga Kristiyano.—Mat 4:10; Ro 14:8; 2Co 2:17; 3:5, 6; 4:1; tingnan ang study note sa 1Co 7:33.
-