-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lahat ng kasali sa isang paligsahan: O “lahat ng atleta.” Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay kaugnay ng isang pangngalan na kadalasang tumutukoy sa paligsahan ng mga atleta. Sa Heb 12:1, ginamit ang pangngalang ito para sa Kristiyanong “takbuhan” tungo sa buhay. Isinasalin din itong “problema” (Fil 1:30), “paghihirap” (Col 2:1), o “pakikipaglaban” (1Ti 6:12; 2Ti 4:7). Ang mga anyo ng pandiwang Griego na ginamit dito sa 1Co 9:25 ay isinaling “magsikap kayo nang husto” (Luc 13:24), “nagsisikap . . . nang husto” (Col 1:29; 1Ti 4:10), “marubdob” (Col 4:12), at “pakikipaglaban” (1Ti 6:12). —Tingnan ang study note sa Luc 13:24.
nagpipigil sa sarili: Ang mga atleta ay nagpipigil sa sarili habang naghahanda para sa isang kompetisyon. Marami ang nagdidiyeta, at ang ilan ay hindi muna umiinom ng alak. Isinulat ng istoryador na si Pausanias na umaabot nang 10 buwan ang pagsasanay para sa Olympics, at ipinapalagay na halos ganiyan din kahaba ang pagsasanay para sa iba pang malalaking palaro.
-