-
1 Corinto 14:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Pero ang humuhula ay nagpapatibay at nagpapasigla at umaaliw sa mga tao sa pamamagitan ng sinasabi niya.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nagpapasigla at umaaliw: Ang mga salitang Griego na pa·raʹkle·sis (isinaling “nagpapasigla”) at pa·ra·my·thiʹa (isinaling “umaaliw”) ay parehong nangangahulugang “pampatibay,” pero ang salitang pa·ra·my·thiʹa ay nagpapahiwatig ng mas matinding pagmamalasakit at pang-aaliw. Ang kaugnay na pandiwang pa·ra·my·theʹo·mai ay ginamit sa Ju 11:19, 31 para sa mga Judiong umaliw kina Maria at Marta nang mamatay ang kapatid nilang si Lazaro.—Tingnan din ang 1Te 5:14, kung saan ang pandiwang ito ay isinaling “patibayin.”
-