-
2 Corinto 7:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sapagkat, narito! ang mismong bagay na ito, ang pagpapalungkot sa inyo sa makadiyos na paraan,+ kay laki ngang kasigasigan ang ibinunga nito sa inyo, oo, pagpapawalang-sala sa inyong sarili, oo, pagkagalit, oo, takot, oo, pananabik, oo, sigasig, oo, pagtatama ng mali!+ Sa lahat ng paraan ay ipinakita ninyong malinis kayo sa bagay na ito.
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tama: O “malinis.” Sinunod ng mga taga-Corinto ang payo ni Pablo sa nauna niyang liham at inalis sa kongregasyon ang imoral na lalaki. (1Co 5:1-5, 13; tingnan ang study note sa 2Co 7:9.) Dahil dito, naging malinis na ulit ang kongregasyon at wala na silang anumang pananagutan sa kasalanan ng lalaki. Pero alam ni Pablo na para manatili silang malinis, kailangan nilang patuloy na magbantay laban sa seksuwal na imoralidad. Kaya sa bandang dulo ng liham niya, pinatibay sila ni Pablo na gawin ito.—2Co 12:20, 21.
-