-
Hebreo 1:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 At: “Nang pasimula, O Panginoon, inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa, at ang langit ay gawa ng mga kamay mo.
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
O Panginoon, inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa: Sinipi ni Pablo ang salin ng Septuagint sa Aw 102:25 (101:25, LXX), na may ekspresyong “O Panginoon.” Ipinakita ulit ni Pablo dito ang kahigitan ni Jesus sa mga anghel. Ang Diyos ang kausap dito ng salmista. (Aw 102:1, 24) Pero ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para kay Jesus dahil si Jesus ang instrumento ng Diyos sa paglalang ng lahat ng bagay, gaya ng ipinapakita sa Heb 1:2 at iba pang teksto. (Ju 1:2-4; Col 1:15-17 at study note sa talata 15 at 16; tingnan din ang Kaw 8:23-31.) Dahil magkasamang gumawa si Jehova at si Jesus, tama lang sabihin na “inilatag [nila] ang mga pundasyon ng lupa” at na “ang langit ay gawa ng mga kamay” nila. Pareho ding tinutukoy ng Bibliya si Jehova at si Jesus na “ating Tagapagligtas.”—Tit 1:3, 4 at study note.
-