-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gaya ng sinasabi niya: Sinipi dito ni Pablo ang Aw 22, at ginabayan siya ng espiritu na isulat na para bang si Jesus ang nagsasalita dito. Maraming talata sa awit na iyon ang naglalaman ng hula tungkol sa Mesiyas. (Ihambing ang Aw 22:1 sa Mat 27:46 at study note; Aw 22:8 sa Mat 27:41-43; Aw 22:15, 16 sa Ju 19:28; Aw 22:18 sa Mat 27:35; Luc 23:34; Ju 19:24.) Walang espesipikong ulat sa Bibliya na sinipi ni Jesus ang Aw 22:22 sa ministeryo niya, pero parang sinabi niya na rin ang mga pananalitang ito dahil tinupad niya ito at nakita ito sa paraan ng pamumuhay niya.
sa gitna ng kongregasyon: Ang pariralang ito ay galing sa Aw 22:22. Doon, ipinakita ni Haring David kung gaano siya nagpapasalamat sa pribilehiyong purihin si Jehova kasama ng mga kapuwa niya Israelita. Sila ang bumubuo sa “kongregasyon ni Jehova.” (Deu 23:3) Kahit na si David ang hari, tinawag niya ang mga sakop niya na “mga kapatid ko.” (Ihambing ang Deu 17:15; 1Cr 28:2.) Ganiyan din si Jesu-Kristo. Kahit na siya ang ulo ng kongregasyong Kristiyano, itinuturing niyang kapatid ang lahat ng pinahirang Kristiyano. (Mat 25:40; tingnan ang study note sa Col 1:13.) Si Kristo at ang pinahirang mga tagasunod niya ang bumubuo sa “sambahayan ng Diyos.”—Tingnan ang study note sa 1Ti 3:15.
-