JABAL
Isang inapo ni Cain; anak ni Lamec at ng kaniyang unang asawang si Ada. (Gen 4:17, 19, 20) Si Jabal ay tinatawag na ‘tagapagpasimula ng mga tumatahan sa mga tolda at ng mga may alagang hayop.’ Hindi si Jabal ang unang pastol, sapagkat naunang maging pastol si Abel; ngunit maliwanag na si Jabal ang nagpasimula ng o naging pangunahin sa pagala-galang pag-aalaga ng mga hayop bilang paraan ng pamumuhay. Maaaring siya ang nakaimbento ng mga tolda, na mas madaling ilipat kaysa sa permanenteng mga tirahan kapag naubusan ng damo ang isang pastulan.