SIPRA
[Kaayaaya; Pinakinis; Elegante].
Ang Griegong Septuagint ay kababasahan ng Sepora kapuwa sa Exodo 1:15 at 2:21, ngunit ang tekstong Masoretiko ay kababasahan ng Sipra (1:15) at Zipora (2:21). Ang anyong Aramaiko ng pangalan ay Sapira.
Si Sipra ay isang komadronang Hebreo. Siya, gayundin ang kasamahan niyang si Pua, ay pinag-utusan ni Paraon na patayin ang lahat ng Hebreong sanggol na lalaki pagkasilang ng mga ito. Palibhasa’y isang babaing may takot sa Diyos at may paggalang sa kabanalan ng buhay ng tao (Gen 9:6), pinanatili niyang buháy ang mga sanggol na lalaki at pinagpala siya ni Jehova na magkaroon ng sariling pamilya.—Exo 1:15-21; tingnan ang KOMADRONA.