DAAN NG HARI
Ang daan na ipinangako ng mga Israelita na hindi nila lilihisan kung pahihintulutan silang dumaan sa teritoryong Edomita at sa teritoryong Amorita ni Haring Sihon. (Bil 20:17; 21:21, 22; Deu 2:26, 27) Malamang na ang daang ito ay nagsisimula sa Gulpo ng ʽAqaba at umaabot hanggang sa Jabok, ang lumilitaw na H hangganan ng teritoryo ni Sihon. Ipinapalagay rin ng marami na umaabot ito hanggang sa Damasco sa H at karaniwan itong itinutumbas sa Romanong lansangang-bayan na may latag ng bato at ginawa ni Emperador Trajan noong ikalawang siglo C.E. Maliban sa ilang pagbabagong ginawa para sa makabagong trapiko, ang kasalukuyang daan na tinatawag na Tariq es-Sultan(i) ay halos bumabagtas sa sinaunang Romanong lansangang-bayan, at ang ilang bahagi nito ay umiiral pa rin.
Lumilitaw na ang hilagaang bahagi ng daang ito mula sa Hesbon hanggang Astarot ay tinawag na “daan ng Basan.”—Bil 21:33; Deu 3:1.