SAALIM
[Mga Sandakot; Mga Palad ng mga Kamay].
Isang “lupain” na dinaanan ni Saul noong hinahanap niya ang nawawalang mga asnong babae na pag-aari ng kaniyang ama na si Kis. (1Sa 9:3, 4) Dahil mahirap tukuyin ang eksaktong ruta ni Saul, hindi matiyak kung saan ang lokasyon ng Saalim. Iniuugnay ng ilang iskolar ang “lupain ng Saalim” sa “lupain ng Sual” sa 1 Samuel 13:17. Gayunpaman, waring isang lokasyon sa Efraim ang pinakaangkop sa konteksto.