HILKIAS
[Ang Aking Takdang Bahagi ay si Jehova].
1. Isang Levita na mula sa pamilya ni Merari; anak ni Amzi at ninuno ng Etan na inatasan ni David bilang isang mang-aawit sa santuwaryo.—1Cr 6:31, 32, 44-46.
2. Isang Levitang bantay ng pintuang-daan na mula sa pamilya ni Merari na tumanggap ng atas na ito noong panahon ni David; isang anak ni Hosa.—1Cr 26:10-12.
3. Ama ng Eliakim na isang opisyal sa korte ni Haring Hezekias.—2Ha 18:37.
4. Ang mataas na saserdote noong mga araw ni Haring Josias; anak ni Salum at ama ni Azarias; lumilitaw na isang ninuno ni Ezra na tagakopya. (2Ha 22:3, 4; 1Cr 6:13; Ezr 7:1, 2, 6) Bilang mataas na saserdote, si Hilkias ay gumanap ng mahalagang bahagi sa pagsasauli ng tunay na pagsamba na isinagawa ni Josias. Noong panahong kinukumpuni ang templo, nasumpungan ni Hilkias ang mismong “aklat ng kautusan ni Jehova sa pamamagitan ng kamay ni Moises.” Natatangi ang tuklas na ito sapagkat malamang na ang manuskritong ito ang orihinal na aklat na isinulat ni Moises. Ibinigay ito ni Hilkias kay Sapan na kalihim, na nagdala ng manuskrito sa hari. Matapos marinig ni Haring Josias ang pagbasa ni Sapan sa aklat, isang delegasyon na pinangunahan ng mataas na saserdoteng si Hilkias ang isinugo niya kay Hulda na propetisa upang sumangguni kay Jehova alang-alang sa hari at sa bayan.—2Ha 22:3-14; 2Cr 34:14.
5. Ama ni Jeremias na propeta; isang saserdote sa Anatot sa lupain ng Benjamin.—Jer 1:1.
6. Ama ng Gemarias na isinugo ni Haring Zedekias kasama ni Elasa kay Haring Nabucodonosor sa Babilonya.—Jer 29:3.
7. Isang saserdoteng Levita na bumalik mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel.—Ne 12:1, 7.
8. Isa sa mga nakatayo sa kanan ni Ezra noong basahin nito ang Kautusan sa bayan.—Ne 8:2-4.
9. Ang pangalan ng isang makasaserdoteng sambahayan sa panig ng ama noong mga araw ni Nehemias na gobernador.—Ne 12:12, 21, 26.