ATER
[Nakasara; Nahaharangan].
1. Isang lalaki ng Israel na ang 98 sa mga anak o mga inapo ay bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 16; Ne 7:21) Ganito ang pagkakatala sa kanila: “Ang mga anak ni Ater, ni Hezekias, siyamnapu’t walo,” na marahil ay nagpapahiwatig na mga supling sila ni Ater na inapo ng isang Hezekias (ngunit malamang na hindi ang Judeanong hari na may gayong pangalan), o na mga inapo sila ni Ater sa pamamagitan ng isang Hezekias. Maaaring inapo ng Ater na ito ang isa sa mga pangulo ng bayan na nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” sa pamamagitan ng tatak noong mga araw ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 17.
2. Isang ulo ng pamilya na ang mga supling ay kabilang sa Levitikong “mga anak ng mga bantay ng pintuang-daan” ng templo na bumalik sa Jerusalem mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel.—Ezr 2:42; Ne 7:45.