HANES
Isang lugar na binanggit sa Isaias 30:4 nang tuligsain ni Jehova yaong mga humihingi ng tulong sa Ehipto. (Isa 30:1-5) Hindi tiyak kung saan ang lokasyon nito.
Iba’t ibang posibleng kahulugan ang ibinibigay sa tekstong ito. Naniniwala ang ilang komentarista na ang “mga sugo” ay mga Judio, na ipinadala upang humingi ng tulong militar sa Ehipto, at na ang mga ito’y dumating sa Hanes sa misyong iyon. Iminumungkahi naman ng iba na ang mga sugo ay kay Paraon (binanggit sa Isa 30:3) na inilarawang tumanggap sa delegasyong Judio nang makarating ito sa Hanes. Anuman ang nangyari, ipinakita ni Jehova na ang Ehipto ay walang maitutulong.—Isa 30:5.