ARPAD
Isang maharlikang lunsod sa H Sirya na sa Bibliya ay laging binabanggit kasama ng lunsod ng Hamat. Ipinapalagay na ang Arpad ay ang Tell Erfad (Tell Rifʽat) na mga 30 km (19 na mi) sa HHK ng Aleppo. Yamang ito’y nasa daang patungo sa T sa Hamat at Damasco, madalas itong salakayin ng mga Asiryano at nang maglaon ay nalupig ito ni Tiglat-pileser III at gayundin ni Sargon II. Kaya nang pinagbabantaan ng anak ni Sargon na si Senakerib ang Jerusalem noong 732 B.C.E., iniutos niya sa kaniyang tagapagsalitang si Rabsases na banggitin ang sinapit ng Arpad bilang katibayan na walang kakayahan ang mga diyos ng mga bansa na labanan ang kapangyarihan ng Asirya. (2Ha 18:34; 19:12, 13; Isa 36:19; 37:12, 13) Patiunang inihula ng propetang si Isaias ang gayong paghahambog. (Isa 10:9) Nang maglaon ay inihula ni Jeremias na ang Hamat at Arpad ay mapapahiya at malalansag dahil sa “isang masamang ulat,” maliwanag na may kinalaman sa panlulupig ng Babilonyong si Haring Nabucodonosor.—Jer 49:23.