KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ISAIAS 58-62
“Ihayag ang Taon ng Kabutihang-Loob ni Jehova”
“Ang taon ng kabutihang-loob ni Jehova” ay hindi isang literal na taon
Isa itong yugto ng panahon kung kailan binibigyan ni Jehova ng pagkakataon ang maaamo na tumugon sa kaniyang paghahayag ng kalayaan
Noong unang siglo, ang taon ng kabutihang-loob ay nagsimula noong 29 C.E. nang pasimulan ni Jesus ang kaniyang ministeryo at tumagal hanggang sa “araw ng paghihiganti” ni Jehova noong 70 C.E. nang mawasak ang Jerusalem
Sa ngayon, ang taon ng kabutihang-loob ay nagsimula noong 1914 nang iluklok si Jesus sa trono sa langit at magtatapos ito sa malaking kapighatian
Pinagpapala ni Jehova ang kaniyang bayan sa pamamagitan ng “malalaking punungkahoy ng katuwiran”
Ang pinakamatataas na puno sa mundo ay karaniwan nang lumalaking magkakasama sa kagubatan, at nakikinabang ang mga ito sa isa’t isa
Maaaring nagkakasala-salabid ang ugat ng mga ito kaya tumatatag ang mga puno at nakakayanan ang malalakas na bagyo
Nagsisilbing proteksiyon ang malalaking puno sa mga bagong-sibol na puno, at ang nalalagas na dahon nito ay nagiging pataba sa lupa
Ang lahat ng miyembro ng kongregasyong Kristiyano ay nakikinabang sa suporta at proteksiyong nagmumula sa “malalaking punungkahoy ng katuwiran,” ang mga pinahirang nalabi